Ang Tuta at Ang Aking Tadhana - #KwentongTUNAY of the day (Unang Pagsumite)

Kumusta mga kapatid, mula sa araw nato ay araw-araw nyo nang mababasa ang ating #KwentongTunay Serye. Ang Serye na ito ay mababasa lamang sa wikang Filipino. Ito ay alinsunod sa ating kampanya na pagyamanin ang sariling wika. Kung gusto nyong suportahan ang adhikaing ito, subaybayan lamang ang serying ito sa pamamagitan ng hashtag #KwentongTunay. Lahat ng kwento ay pangyayari sa tunay na buhay ng ating mga kapatid sa steemit at labas ng steemit.




Photo Credit Link

"Hello! Ako nga pala si Yang. 2012 nang nakilala ko si Kim sa aming lugar. Doon siya nagtatrabaho. Malapit lang ang bahay namin sa pinagtatrabahoan niya.. Nagsimula ang lahat dahil sa tubig.

Sa araw na iyon walang tubig na tumutulo sa gripo namin. Naman pala, nahigop lahat ng tubig papunta sa kanilang detachment, maliligo kasi siya. So pinuntahan ko siya doon. Pagkarating ko doon, Nakita ko siya. Ang sabi ko hihingi ako ng tubig kahit kunti lang. ang sagot niya, “sige po maam, para satin po to lahat”. Nasa isip ko, para sa lahat naman pala eh, ba’t inubos lahat!!!” hehe. Pagkalipas ng ilang minute, bigla siyang nawala pagkatapos may isang lalaki na dumating. “Maam, hihingi daw ng numero yung Sir ko”. Yun palang nagsasayang ng tubig ang humihingi, binigyan ko naman. Si Kim ay mas matanda keysa sakin. Labing isang taon ang aming agwat. Nalaman ko nalang yan sa aming madalas na pagti text.

Isang araw, tinanong niya ako, mag DATE daw kami since 3 months na rin naman daw kaming textmate. At doon nagtapat siya sakin.Hindi ako naka desisyon kaagad, gusto ko pa ng mataas na panahon. Dec 2012 yung araw nayon. Dumating ang feb 25,2013, sinagot kuna talaga siya, since single naman ako at mabait naman si Kim. Malambing siya at caring.

Nong panahon na yon, nagaaral pa ako. Una hindi ko pa siya masyadong gusto kahit kami na. hanggang sa di ko namalayan na develop na ako sa kanya.

March 2014, grumadwit ako sa college. Napakasaya ko sa wakas! Pariha na rin kami ni Kim na professional. Na hire kaagad ako sa work, sa banko. Masaya ako dahil meron na akong trabaho, pero malungkot naman kasi magkakalayo kami ni Kim, maa-assign kasi ako sa lugar na malayo. Masakit pero kailangan. Pumupunta na lang siya doon sa lugar kung saan ako na assign, isang besis isang buwan.

Tiwalang-tiwala ako kay Kim. Hindi ako makapaniwalang kaya niya pala akong lokohin. Isang girl na businesswoman ang na link sa kanya.Ang pinakamasakit ay nang binigyan siya ng girl ng isang tuta. napaka Cute na tuta. Ang sabi niya sa akin, binili niya raw galing sa kanyang kasamahan sa trabaho, pero ang totoo, bigay pala ng babae niya.napakasakit talaga, isang taon din akong gumising sa umaga. Ang sabi ni Kim sakin, ayaw niya raw ng LDR o long distance relationship kumbaga. Pinatawad ko parin siya, kasi nga love ko siya. Akala ko ok na lahat. Pagkatapos pala ng ilang buwan,meron na naman siyang babae. Kasama niya sa trabaho, at may asawa pa talaga ang girl. Grabe ang sakit-sakit na, sabi ko nong oras nayon, ayaw kuna talaga, tama na.

Pero pag mahal ko talaga ang isang tao,kaya mo parin siyang patawarin. Pinatawad ko parin siya at umaasa ako na magbabago pa siya. Nagpropose sya ng kasal sakin, nag request ako na ma assign sa lugar malapit sa kanila para magkasama kami. At too nga, natransfer ako malapit sa kanya, meron din naman kasi kaming branch doon.

June 2016 sana ang aming kasal nang hindi ko inexpect ang sumonod na pangyayari. Na confine siya dahil sa isang sakit. Isang buwan kami sa hospital. Grabi yong pagaalala ko na baka isang araw mawala siya sakin.

Naiiyak akong tingnan siya. Palagi siyang humihingi ng tawad sa akin, lagi ko raw tatandaan na kahit nagkasala man siya, ako parin daw ang minahal niya.
Palagi akong nagdadasal n asana gumaling na siya at matuloy na ang aming kasal. Dahil kahit nagkasala siya naiintindihan ko na rin siya dahil sa aking pagkukulang. Ngayong kapiling ko n asana siya, ganto pa ang nangyari.

Dahil sa awa ng Diyos gumaling si Kim, pero hindi natuloy ang aming kasal. Wala na kasi kaming budget at lumipas narin ang araw ng aming kasal. Palaging may perpektong plano ang Diyos para sa atin, sa kabila ng aking mga naranasan, dininig niya parin ang aking mga panalangin,

At sa wakas kinasal narin kami sa Civil noong July 8, 2017. Kami ang pinakamasayang magasawa, at kinalimutan ko narin lahat ng mga masasakit na ginawa niya sa akin dahil hindi rin ako nagging perpekto sa kanya.

Kung nakatadhana talaga kayo sa isat-isa, magiging kayo talaga kahit gaano pa ka unfair ang sitwasyon. Kahit gaano pa karami ang mga pagsubok, kapag natutunan mong magpatawad, magkakaroon ka ng masayang pagsasama.

-College of Business Administration


Salamat sa Pagtangkilik Sa Adhikaing ito

Subaybayan pa ang susunod namagbibigay ng kanyang kwento sa Serye natin bukas

Maaari ka ring magpadala ng iyong mensahi sa pamamagitan ng aking Facebook page Joseph Fugata


Thank You So Much For Reading

Don't forget to hit upvote
Feel free to comment down what's on your mind
I LOVE STEEMIT

ff.png


#philippines
#pilipinas